Online class sa amin...

Ako si Roselyn, nakatira sa Maggok, Hungduan, Ifugao.


Gusto ko lang i-share ang mga na-experience ko last midyear online class habang ako ay nasa amin sa bundok.

Una po sa lahat, walang malakas na signal sa mga bahay-bahay doon sa amin. Kung meron man, para sa text at tawag lang ang kaya. Kailangan pang umakyat ng bundok para magkaroon ka ng malakas na signal.


Bago pa mag-start ang enrolment ay tinanong ako ng kaklase ko kung mag-eenrol ba ako sa midyear. Sabi ko “yes” kasi ayaw ko ma-behind sa mga subjects ko at ayoko ring i-take mag-isa ‘yung mga subjects na iyon. Nakiusap ako kay Sir Samuel Damayon, ang Dean of Student Affairs and Services ng aming school, na mag-promissory note na lang muna ako para sa tuition ko. Sabi niya mag-enrol ako at siya na daw bahala sa promissory note. I'm so happy and thankful sa kaniya.


Ang schedule ko ay 7:30AM - 5:30PM. Sa everyday ko na paglalakad, sumasakit ang buong katawan ko, lalong-lalo na ang aking paa. Nakakapagod, pero kailangan para maka-attend sa klase. Lagi akong kinakabahan kasi baka ma-late ako at nakakahiya.


Sa mga requirements, I am honest to say na lagi akong nale-late na magsubmit kasi cellphone lang ang gamit ko. Maraming ginagawang requirements, nakaka-stress, pero kinaya naman. During video calls or BigBlueButton sessions naman, laging choppy at wala akong naiintindihan, kaya sa module na lang ako nagbabasa-basa. Speaking of module, kailangan din ng patience kasi medyo matagal matapos ang pagdownload sa bagal ng internet. At dahil walang printer dito sa 'ming lugar ay tinitiis ko munang isulat sa papel o 'di kaya sa phone ako nagbabasa. During class days din, kapag mga 1:00pm na, kailangan kong maghanap ng puno para may pagsilungan kasi walang lilim sa kung saan may signal ang gamit kong network. Tuwing hapon, ipinagdadasal ko na sana hindi umulan nang maaga kasi malayo ako sa mga bahay-bahay at hindi sapat ang payong kapag umuulan.

During exams ay kailangan magising nang maaga kasi maliban sa paglalakad ng isang oras para makarating sa lugar na may signal, doon na rin ako nagre-review para sa 7:30AM class. Sa pagsusubmit ng requirements, kapag binigay na ng mga teachers ang activity at exam at kailangang ipasa kinagabihan, bababa muna ako ng bundok para sa bahay ko na lang sagutan kasi wala akong table sa bundok. Ang tanging meron lang ay upuan Pagkatapos ko ng mga requirements, magpapasama ako sa ate ko para umakyat sa bundok para magsubmit.


Learning Management System o LMS, ang tawag sa online learning platform ng school namin. Ang hirap ma-access kasi mabagal ang internet connection. Noong nasira yung cell site doon sa amin, halos ‘di ko na alam ang gagawin ko. Umiyak ako habang kinakabahan kahahanap dito, hanap doon ng signal hanggang sa naisipan ko na lang na umakyat pa sa isang bundok para maka-attend ng klase. May demo kasi kami sa isang subject noon. Dahil sa nangyare, nakiusap muna ako sa aming guro na bigyan ako ng ibang option para sa demo. Sabi naman niya, i-video ko na lang daw ang sarili ko then i-send ko through email. I am so thankful sa consideration niya.


Gusto ko ring kunin ang pagkakataon na ito para magpasalamat sa mga guro ko noong midyear na sina Sir Allen Marquez, Sir Ernest Esmeralda, and Ma'am Federicia Caluagan. Dahil sa kanila, nagkaroon din ako ng lakas ng loob dahil sa effort nilang magturo at napaka-considerate pa nila. Hindi ko nasabi sa sarili kong maggi-give up na ako. Teachers, thank you po sa inyo.


During that midyear class, pagod na pagod ako lagi kasi pabalik-balik ako. Nakakaiyak at nakaka-stress. Minsan, hindi ko na iniisip na kumain kapag umaga kasi pagkagising ko, inom ng tubig tapos aakyat na agad ako ng bundok. Lagi akong pinapagalitan dahil hindi ako kumakain, kaya thankful ako na may parents ako at kapatid ako na nagdadala ng pagkain ko sa bundok. Dahil din dito, hindi ko inisip na sumuko kasi alam ko na kaya ko and ayokong ma-left behind. Patience is a virtue talaga.

Ang naging motivation ko para makapag-aral last midyear kahit na mahirap ang naging sitwasyon ko ay ang pag-iisip na as a preservice teacher, kailangang maging matatag, matapang at matiyaga habang maaga pa kasi paano na kapag in the future ay mapunta ako sa mas liblib na lugar. So kahit na mahirap ang sitwasyon ko last midyear ay alam ko sa sarili ko na kaya ko dahil I have my family, friends, loved ones, and also because, I trust God. Alam kong andiyan sila palagi para gabayan ako. Another thing that motivates me is that kung kaya ng iba, kaya ko rin, para sa pamilya, para sa sarili ko, at para sa future ko.


***

#KasiyannaCreative

Roselyn is a third year student taking up Bachelor of Science in Elementary Education in Saint Mary's University - Bayombong. She believes that she can do all things through Christ who strengthens her.


***

Read full issue here for FREE.


Kasiyanna is an anthology that honors the traditional, rich cultures of indigenous people and sheds light on the collective issues within their communities amidst the pandemic. There might not be a silver lining to the crisis yet, but this issue hopefully allows deeper dialogue and engenders a stronger call to action.


Banner art by Allen Esteban